Tuesday, May 8, 2012

Utang Mo, Bayaran Mo.

Pag hinde ba nag-rereply sa mga messages at hinde sumasagot sa call ibig ba sabihin ayaw na magbayad ng utang? hinde ba pwedeng NAGTATAGO LANG MUNA?

Whatever gotesco. Ilang beses na akong naisahan ng mga tao na mabait at magaling lang pagkailangan nila ng tulong from me. Most specially when it comes to financial help. Ako naman si tanga super nice at maawain na lagi namang nagpapa-uto. Pero pag time na ng bayaran, pahirapan na silang singilin. As much as possible nga ayoko na humihiram ng money sa mga friend ko because ayoko na may masabi sila sakin. At hinde ako makatulog kakaisip na meron akong utang sa isang tao. Pero ewan ko ba naman sa ibang tao nakukuha pang matulog ng mahimbing, well sana bangungutin kayo at hinde na magising hahaha.

Ilang friends na din ang na block ko ng dahil sa utang, nang dahil sa hinde nila pagbayad at worst sa pagtakbo nila. Mainit lang talaga ang ulo ko, feeling ko kasi sobrang na-betrayed ako. Hinde naman ako dapat yung na-momroblema, but since I let you use one of my credit cards to buy your useless stupid stuff and I agreed pa na ipa-installment natin because you can't pay in cash biglang BOOM after 6 months hinde kaparin bayad. Worst part is nag-accumulate na ang charges ng card ko because you are so IRRESPONSIBLE in paying your bills to me. Shame on you! You told me that your the type of person na ayaw na my utang or what so ever. let me remind you again I didn't fail to inform you kung kelan ang due ko. I am very positive pa nga on my due date na i-text mo ako to confirm the payment of your balance, pero super fail ka dun, not paying on the due date means another charges. Are you going to pay for it? I hope so...

The next time around always remember this " Don't buy things na hinde mo naman afford at lalo na kun hinde mo kayang bayaran." It should be a lesson to all of us. Kaya naman ako Iniisip ko muna ng ilang beses bago ako bumili. At alam ko na kaya kong magbayad at higit sa lahat may pambayad ako pag bibili ako ng isang bagay na gusto ko. I know naman na hinde ako makukulong for not paying my card, pero hinde ko maisip na magkakarecord ako for not paying on time (which is not so me, dahil I am always a transactor and will forever be) ng dahil sa kagagawan mo.

I wish you all the best pero magbayad ka muna ng utang mo. PEACE!

No comments:

Post a Comment